Tumawag ang high school friend kong si Shantina habang kami ay nagsasagot ng seatwork sa MIS. Akala ko ay may importanteng sasabihin siya sa akin iyon pala, papakilala na pala niya ako sa estudyante niyang Japanese. Tinanong niya kung anong oras ang tapos ng klase namin sinabi ko malapit na itong matapos tutal ay 30 minutes na lang at mag-a-alas-kwatro na ng hapon. Sinabi ko kaagad yun kay Bon dahil katabi ko siya at gusto rin niyang makakilala ng Japanese. Kaya naman pagktapos ng klase ay nagmadali akong puntahan si Shantina sa tapat ng CHE building kung saan siya ay naghihintay kasama na ang Japanese na ipapakilala niya sa akin.
Sa pagpunta namin sa CHE building, sinama namin ni Bon sina Titus, Precious, Nikki at Helena.
Pagdating ko doon, nakita ko si Shantina at kasama niya ang isang hapon na lalaki. Dali-dali akong lumapit sa kanila at ipinakilala ko ang sarili ko sa hapon. "Konnichiwa. Namae wa Jane desu. Hajimemashite./Hi! I'm Jane. Nice to meet you.", pagpapakilala ko. "Konnichiwa. I'm Hiroki Obata. Hajimemashite.", tugon naman ni Hiro.
At pormal naman akong pinakilala ni Shantina kay Hiro. Tinanong ko kay Shantina kung mag-isa lang si Hiro at sabi niya siya lang ang tinuturuan niyang Japanese kaya siya lang mag-isa.
Pagkatapos akong ipakilala ni Shantina kay Hiro ay tinawag ko ang mga kaklase ko at pinakilala ko din sila isa-isa. Nauna kong ipinakilala ang mga babae at ang huli ay si Bon na medyo nagtatago pa sa may gilid ng pader dahil nahihiya siya. Nang ipinakilala ko si Bon kay Hiro ay namumula pa si Bon dahil sa sobrang hiya niya. Di nagtagal ay nagyaya na rin si Shantina na magpunta sa McDo para makapag-merienda at doon ay tuturuan niya rin si Hiro ng English at tamang bigkas ng mga ingles na salita.
Nang makarating kami ng McDo ay umorder kami ni Shantina ng fries at float para sa aming lahat. Habang kumakain ay nagkukwentuhan kami in English kahit na nakakadugo ng ilong ang pag-uusap namin. Para ito kay Hiro upang maintindihan din niya at kasabay nito ay matuto din siya ng English.
Tinanong namin siya ng mga kaklase ko tungkol sa buhay niya sa Japan at kung bakit siya nag-aaral dito sa BSU ng English. Iyon pala, course niya ang ESL (English as Second Language) at para mas maging produktibo at lumawak ang kanyang kaalaman sa nasabing lengwahe ay pumunta siya dito sa Pilipinas kasama na ang ibang Japanese sa unibersidad nila. (Kansai University, Osaka)
At doon na nga nagsimula ang masayang pag-uusap-usap namin ng mga kaklase ko at ni Hiro.
Bilang Japanese, isinalin niya sa wikang Hapon ang mga sinusulat ni Bon sa Yellow paper. Nakakatuwa si Bon habang kausap niya si Hiro dahil ipinapa-translate pa niya sa amin ang mga ibang English words dahil may kahirapan itong intindhin at sabihin kay Hiro at minsan kung alam ko ang Japanese translation ng mga Tagalog na sinasabi ni Bon ay tinatranslate ko na mismo iyon kay Hiro para lubos niyang maintindihans a sarili niyang wika. (Salamat sa pagiging fanatic ko ng mga anime at jdoramas dahil kahit papaano, nakakaintindi ako ng mga Japanese)
Kapag naman nakakausap ko si Hiro ay kadalasan kong binavanggit sa kanya ang tungkol sa pagiging fanatic ko sa KAT-TUN. Tinanong ko kung kilala ba niya ang mga Japanese crush ko na sina Jin Akanishi, Yamashita Tomohisa, Ikuta Toma at Kamenashi Kazuya. Natuwa naman ako sa sinagot niya dahil kilala niya sila at sinabi pa niyang sikat na sikat sila sa Japan. (Wow! Buti na lang at di ako mag-aalangan na banggitin pa sila kay Hiro)
Tinanong naman ako ni Hiro kung bakit ko raw gusto ang Japan. Ang sinagot ko ay "I like Japan because of their artists, fashion, Mt. Fuji, Himeiji Castle, songs, anime, jdoramas and most especially the handsome guys of Johnny's Entertainment." At ang sinabi niya ay "Wow! You really know a lot about Japan. Mt. Fuji huh. Haha." Dagdag naman ni Shantina, "See? How my friend is addict in Japan. She's Filipino but her heart and mind is Japanese."
Haha. Nagustuhan ko yung sinabi na yun ni Shantina. "Really? You look like Korean." sabi ni Hiro. Sagot ko naman, "I've heard that a lot of times before. I do have a chinese blood that's why I look like Korean. You don't look like Japanese. You look like Korean too." Sabi naman ni Hiro, "Ahh.. Yeah. Haha. It's great that you know a lot about Japan." "That's the effect of being addict at Japanese stuff. Haha", dagdag ko.
Pagkatapos noon ay nagkuhanan kami ng litrato gamit ang Iphone ni Bon. May picture kaming lahat kasama si Hiro. Meron din naman na solo sila ni Bon at meron din kami na kaming dalawa lang ni Hiro. Nakakatuwa dahil ayaw pang papicture ni Bon kasama ni Hiro dahil pa rin sa nahihiya siya. (Isasama ko sana ang mga litrato dito sa journal na ito kaya lang ay di napapasa sa akin ni Bon ang mga litrato kaya di ko siya maisasama.)
Pagkaraan ng mga picture taking ay hinayaan na namin sina Shantina at Hiro na mag-aral at medyo tumahimik na kami. Pinapabasa ni Shantina ng English fairytale book si Hiro at ginagabayan niya ito sa pagbabasa. Maya-maya ay nagdesisyon na rin kaming umuwi dahil mag-gagabi na rin. Sabay-sabay kaming lumabas ng McDo at bago tumawid sina Nikki, Titus at Bon ay nagpaalam sila kay Hiro. Napakasaya raw ng naging oras nila kasama ni Hiro at madami rin silang natutunan kay Hiro lalo na si Bon. Sinabi ni Bon na sana ay makita niya ulit si Hiro tsaka sila bago tumawid sa kabilang kalsada para sumakay ng jeep habang kami naman ay papasok ulit ng BSU para doon dumaan pauwi at para na rin maihatod namin si Shantina at Hiro sa SG Office kung saan ipapagpatuloy nila ang kanilang English Lesson.
Habang kami ay naglalakad, nagkukwentuhan pa rin kami tungkol sa Japan at kung gaano niya namimiss ang buhay doon. Sabi ko pwede naman siyang mag-internet at doon ay makakapanuod siya nga mga Japanese shows sa tulong ng keyhole tv na nagpapalabas ng mga japanese channel. Napakadami ko raw nalalaman tungkol sa Japan. Hangang-hanga siya sa akin. Mas daig ko pa raw siya dahil mas may alam daw ako sa mga japanese show kaysa sa kanya.
At nang makarating kami sa SG Office sa tapat ng gym, nagpaalam na kami ni Precious kay Hiro. Sabi ko, ia-add ko na lang siya sa facebook dahil mukhang matagal pa bago kami ay magkita dahil magbabakasyon daw sila ng dalawang linggo.
Tunay namang naging masaya ang huwebes ng hapon namin dahil kay Hiro. Salamat sa kaibigan ko na si Shantina sa pagpapakilala niya sa amin kay Hiro.