12.12.12
It was HIS day.
Hindi siya nakapasok ng multimedia kasi nalate siya. Disaster naman ang nagawa ko nun sa multimedia dahil di ko naiapply yung final effect which is overlay kaya ayun, hindi nanaman ako nakabawi. Gad.
NEXT YEAR BABAWI TALAGA AKO!
Pero nung tanghali ng 12.12.12 - wednesday, may nangyaring amazing although medyo eew. Haha. Eh sa naaamaze talaga ako eh. BAD! XD
12.16.2012
Our conversation started 12 midnight. Isa na siguro yung convo namin yun sa pinakamagandang naging topics namin ever! It's about our future together. <3 p="p">
3>
Ayun, ngayon umaasa ako na yung mga ideas namin about our future together eh mangyari. Kasi kanina lang parang may mali eh, every sunday na lang laging ganito. Minsan unfair. Hindi naman sa pinopoint out ko yung mga pagkakamali niya pero sana minsan din, maisip nya na kapag ako yung hindi nakakareply, wag naman iba isipin niya. Porket wala ako masyadong ginagawa at siya yung busy sa mga trabaho niya, kapag nagtext siya dapat reply kaagad ako?! Hindi ba pwedeng maghintay din siya ng 3-8 hrs bago magreply?! Hindi naman kami nag-away or what pero bigla ko na lang naisip yung ganun. Sa totoo lang, hindi ko mahal yung sarili ko. Sobra-sobrang love na yung binibigay ko sa kanya in return, wala ng natira para sa sarili ko.
NAKAKALUNGKOT.
Paano pag umalis ako eh di mas bihira lalo yung communication lalo pa't hindi naman pabor sa family niya yung tungkol sa amin. Later on pag lumala yung situation, sino masasaktan?! Parehas kami. Pero sa tingin ko, mas masasaktan ako. Kasi wala na akong tinira para sa sarili ko eh. :(
NAKAKAIYAK.
Kahit pa sabihin namin na di namin bibitawan yung isa't-isa, baka mapagod din kami eh. Magsawa sa mga pagkakamali namin. Hindi ko alam. Naguguluhan ako.
Worried lang naman ako sa kanya eh, hindi ba niya naaappreciate yun?!
Kaya ko pa ba? Konting tiis na lang. Sa tingin ko, makakaya ko pa naman eh. Ayoko na lang din kasi masaktan kaso kung sa bandang huli eh wala rin, mas mabuti pa na paunti-unti eh mahalin ko yung sarili ko para kapag may mangyari man, hindi na ako sobrang masasaktan.

No comments:
Post a Comment